Tinatayang mahigit P907 milyon halaga ng agrikultura at imprastraktura sa bansa ang sinira ng bagyong ‘Mario’.
Base sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), lumalabas sa kanilang talaan na umaabot sa mahigit P343 milyon ang napinsala sa sektor ng imprastraktura at mahigit P563 milyon naman sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, may 426 na kabahayan ang lubusang nawasak at 1,963 bahagyang nawasak. Samantala, may 61 highway at anim na mga tulay ang hanggang ngayon ay hindi pa rin madaanan. Habang 235 lugar sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Pampanga at Bulacan ang lubog pa rin sa baha.
Apektado ng bagyo ang 264,530 pamilya o 1,181,709 residente at 14,540 pamilya ang nananatili pa rin sa 260 evacuation center.