KALIBO, Aklan— Kinasuhan ng administratibo at police brutality ang pinuno ng Aklan Provincial Intelligence Special Operations Group (PISOG) ng isang residente ng Boracay.

Ayon sa biktimang si Adeen Gelito, 59, posibleng napagkamalan siya ng suspek na si Police Inspector Wilfredo Hofilena, na nambugbog sa tiyuhin nito kaya nang Makita siya ng pulis noong Boyernes ng gabi sa Boracay ay binugbog siya nito.

Matapos ang pangbugbugbog, kaagad na dinala ang biktima sa isang pribadong ospital sa Kalibo para maipagamot.

Ayon naman kay Senior Supt. Iver Apellido, acting provincial police director ng Aklan PNP, sinibak na niya sa puwesto si Hofilena habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. - Jun N. Aguirre
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20