Anim na lugar na malapit sa Bulkang Mayon ang maituturing na ligtas pa rin para bisitahin ng mga turistang gusto makita ang pagputok ng bulkan, ayon sa ipinalabas na advisory noong Miyerkules.

Sinabi ni Albay Governor Jose Salceda, na nananatili ligtas para sa mga turista at convention activities ang Legazpi City kahit sumabog pa ang Bulkang Mayon.

“Legazpi City is located outside the designated six-kilometer permanent and even eight-kilometer extended danger zones. More visitors and tourists even flock to the city and neighboring localities of Albay to witness from safe distance and ideal viewing points the glowing crater and picturesque of the volcano spewing lava,” sabi ni Salceda.

“In case of ash explosion, ash fall is expected to drift westward with the prevailing wind direction of Southwest monsoon thus posing no danger to air and land travel going in and out of Legazpi City,” aniya pa.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nilinaw ni Salceda na idineklara ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRMC) na ligtas na puntahan ang Lignon Hill, Cagsawa Ruins, Daraga Church, Legazpi City Boulevard, Taysan Hills, at Quituinan Hills Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Alert Level 3 ang Bulkang Mayon noong nakaraang linggo.