Umabot sa kabuuang 1,150 Pinoy seaman na sakay ng 12 barko ang nagparehistro bilang overseas voters para sa halalan 2016 elections sa Konsulado ng Pilipinas sa Vancouver sa Canada noong Setyembre 15.

Noong Agosto lamang, 10 cruise ship ang binisita ng overseas voting mobile team ng Konsulado sa ilalim ng Akyat-Barko campaign kaya naiproseso ang registration ng mga tripulanteng Pinoy gamit ang parehong registration equipment na inisyu ng Commission on Elections (COMELEC) noong nakalipas na halalan at sa suporta ng mga kumpanya ng barko at port agents.

Tiwala si Philippine Consul General Neil Frank Ferrer na malalagpasan ng Konsulado ang kanyang target na 8,000 registrants para sa overseas voting na nagpapatuloy ang registration hanggang

Oktubre 31, 2015.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente