WASHINGTON (Reuters)— Itatalaga ni President Barack Obama ang pinakamalaking marine sanctuary sa mundo sa isang lugar sa Pacific Ocean na magiging off-limits sa commercial fishing at deep-sea mining, sinabi ng White House noong Miyerkules.

Lalagdaan ngayon ni Obama ang proclamation na magpapalawak sa sakop ng Pacific Remote Islands Marine National Monument ng six-fold sa 490,000 square miles (1.27 million sq km/370,000 sq nautical miles).

Sinabi ng White House sa isang pahayag na ang lugar ay “of particular interest because science has shown that large marine protected areas can help rebuild biodiversity, support fish populations, and improve overall ecosystem resilience.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho