Tumpak ang naging desisyon ng Regional Trial Court sa Bulacan na payagang ilipat si dating congressman at Major-General Jovito Palaparan ng piitan sa Fort Bonifacio. Inamin mismo ng tagapamahala o warden ng Bulacan Provincial Jail, na namemeligro ang buhay ni Palparan noon, dahil may mga NPA na nakakulong na kasama niya. Tulad ng una kong puna, kung ang di-umanong mga paglabag sa batas kontra kay Palparan naganap noong opisyal pa ng AFP, karapat-dapat lang na sa kulungan ng Philippine Army siya dalhin. At kulang pa ito – kailangan ang Judge Advocate General’s Office ng AFP din ang kusang mag-alay ng abogado sa naturang opisyal. Subukan mong tumakbo ng hubo’t hubad sa Edsa o Makati kung hindi ka ba naman sitahin ng pulis. Gawin mo yan sa Ateneo, La Salle, o San Beda, at swak na suspendido ka o mapatalsik bilang mag-aaral. Pero kung ang inasal na mag-ala Eba at Adan gayakin sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay – wala lang. Ano tawag dito? Bulag, pipi o bingi ang batas ng Pilipinas sa UP? Pati reglamento ng pamantasan? Kasama ba ito sa salitang masyadong inaabuso, ang “academic freedom”? O dahil ito ay UP, at mayabang sa sindakan at talino! Kaya pati mga panauhing tulad ni Secretary Butch Abad ay maaring kuyugin at kwelyuhan? Ang pamantasan na nagwawala sa lansangan para sa Human Rights, siya pang unang lumalabag nito? Debate ay hindi lang payak na utak at bibig ang sandata, bagkus ay braso? Responsibilidad ng kahit anong institusyon ng karunungan ang magturo hindi lang ng paghahanda sa kursong tatapusin, kundi ay imulat ang bata sa hamon ng buhay – na may mga batas at reglamento na dapat ginagalang. At kapag inasal mo ay taliwas sa atasin ng lipunan, ay papanagutin ka, kahit estudyante pa. Trapik at baha, yan ang debuho ng Metro-Manila. May pag-asa pa ba ang trapik? Ayon kay dating MMDA Traffic Czar General Popoy Fianza, “Wala NANG solusyon”. Siya lang ang tunay at tapat na umamin na wala ng palusot para sa Metro-Manila. Sa baha, may pormula pa, subali’t binubulsa ang pondo. Ang bansang Netherlands ay below sea level, subali’t bakit hindi sila nababaha. Gets niyo!
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists