Nagkakasakit na ang mga batang naninirahan malapit sa palaisdaan na nagkaroon ng fish kill sa Valenzuela City, dahil sa masansang na amoy, lalo pa’t matindi ang sikat ng araw.

Ayon sa report, may mga batang nagkakaroon na ng lagnat at diarrhea dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa mga fish pen na mahigit sa apat na toneladang isda ang namatay.

Nanawagan ang mga residente sa Health Office na magpadala ng mga gamot para sa kanilang mga anak.

“Masakit talaga sa dibdib ang amoy lalo na kapag tanghali at matindi ang sikat ng araw,” ani Fortunato Aravilla, Barangay Chairman ng Malanday.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nabatid na aabutin pa ng mahigit isang linggo ang clearing operation para tuluyang mahakot ang mga patay na isda sa mahigit isang ektaryang palaisdaan na naapektuhan ng fish kill sa kasagsagan ng ulan sanhi ng bagyong Mario nitong Biyernes.

Samantala, kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na industrial waste mula sa mga pabrika malapit na palaisdaan ang naging dahilan ng fish kill.

Bunsod nito, tumaas ng P20 hanggang P30 ang presyo ng tilapia at bangus at milyun-milyon piso ang nalugi sa mga may-ari ng fish pen mula sa Barangay Malanday hanggang sa Barangay Lingunan ng lungsod.