Daniel-kathryn-copy

NARIRITO ang inside story ng audio tape na pinag-ugatan ng gap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na agad namang naiayos.

Blessing in disguise na hindi namin mahuli si Daniel para interbyuhin kaya ang kanyang ina na si Karla Estrada ang tinanong namin. No holds barred, ikinuwento niya ang buong detalye kung paano nakunan ng voice tape si Daniel.

“Hi Ate Reggs, oo nga, eh, kaya sobrang nag-alala ako talaga for DJ (Daniel) kasi nga dito sa bahay namin nangyari.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wala kasi ako that time, itong si DJ nag-imbita ng mga kaibigan niya.  Ganito usually ang ginagawa ni DJ kapag may libreng oras, nagpapapunta ng mga kaibigan niya para dito na lang sila gumimik.

“‘Yung bakanteng lote namin sa katabing bahay, ginawang basketball court at bilyaran.

“Eh, usapang mga lalaki, kuwentuhan tungkol sa mga babae, hayun, isa sa inimbitang akala kaibigan ay ini-record ‘yung usapan nila at saka ipinost sa social media.

“Kaya nga pinagsabihan ko si DJ na hindi lahat ay kailangan mong pagkatiwalaan. Dapat mag-iingat ka sa mga pinapupunta mo sa bahay natin kasi bahay mo ito, eh, paano kung may gawin sa mga kapatid mo, puro babae pa naman.

“Isipin mo, Ate Reggs, nasa bahay na nga lang si DJ, nagagawan pa ng isyu, eh, di how much more kung lumabas ‘yan, lahat gagawin para sirain siya,” kuwento ni Karla..

Sino ba ang babaeng tinutukoy ni DJ na nai-record?

“Wala namang particular na binanggit, kasi nga usapang lalaki, biruan, mga ganu’n.  Maraming crush si DJ, siyempre bata pa, pero kita mo naman, sa iisang babae lang siya talaga nakatutok.

“Porke’t Padilla kasi, akala ng lahat, babaero, hindi naman dahil simula naman nang nag-showbiz ang anak ko, si Kathryn lang naman ang tinututukan niya.

“Di ba ‘pag usapang lalaki, ang pagkukuwentuhan mga babae, eh, mas lalo akong mag-aalala kung lalaki rin ang pinag-uusapan nila, eh, iba na ‘yun.

“Mas malala pa nga tayong mga babae, kasi sobra ang usapan natin tungkol sa mga lalaki. Kung mapapakinggan mo ang usapan nila, nakakatawa, mga bata pa talaga at alam mong hindi seryoso.

“‘Yung kaibigan na nag-record ay kasama na ni DJ noong nasa condo pa kami sa Mandaluyong, eh, since nakakasama, akala kaibigan niya.

“So, hayun, sa sariling bahay namin siya trinaydor.  Sabi ko nga, sinadya ‘yun para sirain ka. Sabi ko nga, sino ba namang matinong tao ang makakaisip ng ganu’n kundi ang may criminal mind.

“Kaya bilin ko talaga sa anak ko, mag-ingat siya sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan lalo’t pinapapasok niya sa bahay namin,” kuwento pa ni Karla.

Hindi nagsinungaling si Daniel tungkol sa totoong nangyari na nauwi sa pagkalat ng audio tape sa social media, kaya naiayos na uli sa wakas ang relasyon nila.

“Hindi naman nagalit o naapektuhan si Kathryn kasi alam niyang walang isyung dapat pag-usapan. Malawak naman ang pang-unawa niya,” sabi pa ng butihing ina ni Daniel.