Handang sumailalim sa lifestyle check si Vice President Jejomar Binay kasunod ng paghamon ng United Makati Against Corruption (UMAC) sa alegasyong katiwalian kaugnay ng P2.2-bilyon Makati City Hall Building 2.

“Anytime,” ito ang isinagot ni Binay nang tanungin ng mga mamamahayag kung willing ba siya at ang kanyang pamilya na sumailalim sa lifestyle check sa sidelines ng 2014 Bagong Bayani Awards sa Pasay City noong Lunes.

Bukod sa Bise Presidente, handa ring sumabak sa lifestyle check ang kanyang anak na si Makati Mayor Erwin “Jun Jun” Binay na kapwa sila nahaharap sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman.

Hinamon din ng UMAC ang Bise Presidente na humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee at magpaliwanag sa alegasyong korupsyon sa ipinatayong gusali at iba pang proyekto sa Makati noong panahong siya pa ang alkalde ng lungsod.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ni Binay kung pauunlakan niya ang imbitasyon ng Senado para sa pagdinig sa usapin bukas, Setyembre 25.

Una nang sinabi ni Binay na hindi naman siya obligadong dumalo dahil imbitasyon lang at hindi subpoena ang kanyang natanggap.

Sa isang speech kamakailan ay punto-por-puntong sinagot ni Binay ang mga paratang sa kanya at iginiit na walang basehan ang mga ito at pawang haka-haka lang kasabay ng paglalarawan sa Senate hearing bilang mala-circus.