ANTIPOLO CITY - Nagsibalik na sa kani-kanilang bahay ang mga pamilya sa Rizal na binaha sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Mario’ at ng habagat noong Setyembre 19, 2014.

Ayon sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umabot sa 10,307 pamilya o 44,367 katao ang naapektuhan ng baha at inilikas ng rescue team sa mga paaralan, covered court at barangay hall at doon sila binigyan ng tulong ng mga lokal na pamahalaan at pamahalaang panglalawigan.

Ayon sa report ng PDRRMC, pinakamaraming binaha sa Montalban na umabot sa 3,539 pamilya, kasunod ang Cainta, 2,387 pamilya; at San Mateo, 2,242 pamilya.
Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador