Raquel-Pareno-copy

"STRESSFUL” ang tanging komento ni Racquel Pareno, anak ni Ms. Gina Pareño, nang kumustahin namin kung bakit siya itinakbo sa ospital a weeks ago.

Dahil sa pressure at stress sa nalalapit na stage play na Pahimakas: The Death of A Salelsman sa CCP, tumaas ang blood pressure ni Racquel kaya pinagpahinga muna siya ng ilang araw sa ospital.

“Kailangang gumising ng maaga kasi araw-araw ang rehearsals namin. Ang kapal ng iskrip, isang dangkal na linya ang kailangan mong i-memorize, ‘tapos iisipin mo na malapit-lapit na ang play, kaya’t doble nerbiyos ako,” sabi ni Racquel, ang bida ng stage play na magkakaroon ng 3:00 PM matinee sa Sabado (September 27) sa Cultural Center of the Philippines at may gala premier at 7:00 PM sa kaparehong petsa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ipinagmamalaki ni Racquel na magiging alternate siya ng kanyang Mommy Gina sa nasabing stage play kaya halos araw-araw ay kinakarir niya ang rehearsals at script reading.

“Ayokong mapahiya sa mommy ko at sa mga taong pupunta para manood ng play,” ani Racquel.

Tatakbo sila September 27 hanggang October ang Pahimakas: The Death of A Salesman at masayang-masaya ang mag-inang Pareño dahil sa mainit na reception ng stage play lovers.

“Sold-out na ang September dates namin. Sa totoo lang, may mga friends kaming gustong manood sa Saturday gala pero nahihirapan kaming kumuha pa ng tickets. Sobrang old-out na kasi,” sey ni Racquel.