Inigo-Piolo3-copy

MUKHANG nagbago na ang desisyon ni Piolo Pascual tungkol sa pagpasok sa showbiz ni Iñigo.

Kung dati ay pinipigilan niya ang anak hangga’t hindi ito nakakapagtapos ng pag aaral, ngayon ay pinapayagan na niya itong sundan ang mga yapak niya.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Iñigo habang kasabay niya itong kumakanta sa ASAP last Sunday nang ipinagdiwang ng bagets ang birthday niya. Banggit ni Iñigo, pangarap niya ‘yun na sa wakas ay natuloy din.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakapagdayalog naman agad si Piolo na baka magtuluy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ng anak niya.

“Wish ko lang, whatever he takes on, I pray na maging successful siya. I want him to enjoy life. Sabi ko sana ‘pag 18 na siya mag-artista ‘kaso ayaw magpapigil, eh,” napailing pang banggit ni Papa P.

Dagdag pa ng aktor, may mga kumakausap na sa kanya para sa pag-aartista ng unico hijo niya pero kailangan pa raw nilang pag-usapang mag-ama ang nararapat.

Samantala, patuloy pang ginagawa ni Iñigo ang experimental movie na Relax, It’s Just Pag-ibig kasama sina Sofia Andres at Julian Estrada na ipapalabas na sa November 12.

“We are just excited for him to be here. He’s going to be here for a couple of weeks,” sey pa rin ng bida ng seryeng Hawak Kamay.