CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang konduktor ng bus habang 28 iba pa ang nasugatan nang sumalpok ang isang pampasaherong Victory Liner Bus sa isang 14-wheeler Isuzu truck sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Insp. Roland Manulit, ng Mexico Police, ang nasawi na si Benedict Dipad, konduktor, habang kritikal naman ang driver na si Renato Pajardo.

Ayon kay Manulit, base sa inisyal na imbestigasyon, katatapos lang magpagasolina ng truck na minamaneho ni Noel Pabustan nang bumangga umano ang bus sa truck.

Nahaharap si Pabustan sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries and damage to properties.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20