ONTARIO, Canada (AFP)— Nakatakdang pasinayaan ng BlackBerry ang kanyang bagong smartphone na target ang mga negosyante at propesyonal at naglalayong maibangon ang naghihingalong kapalaran ng nagsusumikap na Canadian tech group.

Ang BlackBerry Passport na may square 4.5-inch screen at physical keyboard ay nagkakahalaga ng $599 nang walang kontrata sa United States, sinabi ni chief executive John Chen sa Wall Street Journal. Mas mababa ito sa contract-free price ng bagong iPhone ng Apple at high-end smartphone mula sa Samsung.

Ilulunsad ito sa mga pagdiriwang sa Dubai, London at Toronto bago ilalabas sa mga tindahan matapos ang 15 araw, aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho