SHARON-Cuneta-copy

WALANG katotohanan ang tsika na nakatakdang pumirma ng exclusive contract si Sharon Cuneta sa GMA-7. Ito ang sabi sa amin ng nakausap naming beteranong host at very much connected sa mga nagpapatakbo ng Kapuso Network.

Pagkatapos lumabas ang isyu na tuluyan nang umalis si Ate Shawie sa TV5 ay nagkaroon daw ng biglaang negosasyon ang kampo ng aktres at ng mga bosing ng GMA-7.

Pero itinanggi ito ng source namin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon pa sa beteranong TV host, kahit may mga posibleng programa na maaaring ibigay nila kay Sharon, wala talagang offer o anumang pag-uusap sa dalawang kampo. Wala ring katotohanan ang balitang nalalakihan sila sa presyong ibinigay sa kanila ng kampo ni Shawie.

Pero hindi niya itinanggi na may mga artista na namang galing sa ibang network na maaaring maging Kapuso. May mga galing daw sa Dos at meron ding galing sa Singko.

Sina Kiko Estrada at Martin del Rosario ang dating Kapamilya stars na huling pumirma ng exclusive contracts sa GMA-7.

Samantala, kung may mga artistang galing sa Dos na talent na ngayon ng Siyete ay aware naman ang kausap namin na may Kapuso star namang nakikipag usap sa management ng Dos para sa desisyon niyang maging Kapamilya.