Pawang kabiguan ang dumating sa kamay ng Filipinos sa kanilang kampanya matapos ang unang dalawang araw sa ginaganap na 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Matapos ang kabiguan ni Nestor Colonia sa weightlifting, nabigo din ang Pinoy judokas na sina Gilbert Ramirez at Kiyomi Watanabe sa kanilang laban sa Dowon gymnasium.

Yumukod si Ramirez sa nakatunggaling Kazakh judoka na si Dastan Ykybayev sa round of 16 sa men’s 73 kilogram division.

Nagwagi pa muna sa kanyang unang laban ang Fil-Japanese na si Watanabe kay Gulnar Hayytbayeva ng Turkmenista sa round of 16 sa women’s 63 kilogram category bago nabigo kay Abe Kana ng Japan sa labang dapat sana’y magbibigay sa bansa ng unang medalya sa Asiad.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

May pagkakataon pa sanang manalo si Watanabe ng bronze, ngunit muli siyang binigo ni Marian Urdabayeva ng Kazakhstan sa repechage.

Sa shooting, nabigo namang makuwalipika sa men’s trap event ang mga pambatong sina Hagen Topacio at Eric Ang.

Tumapos lamang ang dalawa sa ika-28 at ika-37 sa ginanap na qualifying ng kanilang event na ginanap sa Ongnyeon International Shooting Range.

Sa swimming, naunsiyami ding makuwalipika ang Olympian na si Jessie King Lacuna matapos maorasan ng 1:53.20 sa heat sa men’s 200 meter freetsyle sa Munhak Park Tae-hwan Aquatics Center.