DANIEL-Matsunaga

ISANG buwan matapos manalo bilang PBB All In Big Winner, natanggap na ni Daniel Matsunaga ang susi para sa kanyang napanaluhang P2M worth Amaia condo unit.

Tinalo ng tinaguriang “Hunk of the World” ang 18 iba pang housemates na nakasama niya sa loob ng 100 na araw sa Bahay ni Kuya. Nanalo si Daniel nang siya ang makakuha ng pinakamaraming boto mula sa pinagsama-samang votes to evict at votes to save ng loyal audience at avid fans ng PBB All In ng ABS-CBN.

Natatangi ang naturang edisyon ng PBB dahil sa unang pagkakataon ay pinagsama-sama ang mga celebrity, teen at regular housemates.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naging runner-up ni Daniel ang “Singing Sunshine ng Davao” na si Maris Racal, na sinundan naman ng “Rising Celebriteen ng Quezon City” na si Jane Oineza at pumang-apat si Vickie Rushton, ang “Lady Mahinhin ng Bacolod.”

Kahit walang dugong Pilipino, pusong Pinoy naman daw siya, ito ang laging ibinibida ng Brazilian-Japanese model/aktor. Bukod sa condo unit sa Amaia Steps Novaliches, ginawaran din ng P1M at business franchises si Daniel.

Ang proyektong ito ang magsisilbing daan sa patuloy na pag-asenso ng Amaia, na ipinagmamalaki ang magagandang pasilidad gaya ng swimming pool, basketball court, clubhouse, playground, landscape gardens at support retail na tiyak na kagigiliwan ng kanilang mga residente.

Katuwang ang Makati Development Corporation at BuildPlus at Ayala Property Management Corporation, ang Amaia Land ay makakasama ng bawat Pilipino sa pagtupad ng kanilang mga pangarap kagaya ni Daniel, na may ‘di matatawarang tiwala sa sarili at patuloy na nangangarap.—Alyssa Jane Avellanosa, trainee