INCHEON, Korea- Sa pagitan ng kanyang pagmamadali sa paghahanda ng lunch at pagsasa-ayos sa transportasyon sa kanyang team’s practice kahapon, nagkaroon ng electrifying energy sa kapaligiran ni softball assistant coach Ana Maria Santiago hinggil sa kanyang tropa.

May rason upang i-upbeat nito ang Blu Girls na sadyang minamataan ang bronze medal na tiyak na magpapa-angat sa kampanya ng Pilipinas sa 17th Asian Games.

“The girls are all set for battle,” pagdedeklara ni Santiago na siniguro na ang kanyang lahat ng team’s logistics ay preparado bago sila nagpraktis.

Deretsong nagtungo ang Blu Girls sa siyudad na ito na mula sa United States kung saan sila nagsanay para sa three-month mission na pinondohan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa halagang P4 million.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang misyon na iyon ay kinapalooban ng palagiang partisipasyon sa tournaments kontra sa ilang American at Fil-Am squads. Nagkaroon din ang Blu Girls ng oportunidad na makapag-recruit ng tatlong karagdagang Fil-Am players upang mapasama sa tatlong iba pang Fil-foreign players na unam nang kinuha ng koponan.

Sinabi ni Santiago na ang kanilang top recruit ay ang napakagandang si Dani Gilmore, ang center-fielder na mula sa Irvine, California na nakapaglaro para sa Oregon State University sa Division I ng US National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Naging madali par kay Santiago ang pagkuha kay Gilmore sa koponan. Nagkaroon si Gilmore ng contact sa Blue Girls simula ng ilagay nila sa website ang mga detalye ng mga aktibidad ng koponan.

Nang ipahayag ng Blu Girls’ coaching staff ang paghahanap sa Fil-foreign players na isasama sa koponan, nakatanggap sila ng ‘di inaasahang E-mail message mula kay Oregon State U coach Laura Berg, ang Olympic gold medalist para sa US softball team.

Si Berg ang kasalukuyan ring assistant coach para sa US softball squad.

Si Berg ang nagrekomenda kay Gilmore para sa Philippine team.

Sumanib si Gilmore sa Blu Girls’ practice sessions sa US, kabilang na ang napakahabang paglalagi sa Florida.

Nagkaroon ng rason ang Philippine coaching staff na maramdaman ang positibong kampanya hinggil sa kanilang prized recruit.

Itinala sa Beavers’ website ang kanyang achievements sa ganitong pagkakataon: “Finished second on the team in average (.322) while leading the Beavers in home runs (9), runs (48) and stolen bases (17) ... Named to both the Pac-12 All-Freshman and Pac-12 Honorable Mention teams ... Etched her name in the Beaver record books in 2012 as her 48 runs scored are third all-time in single-season history at OSU, her 39 walks are fifth and her 17 steals are second…” Mahaba pa ang nakatala sa listahan.

At sinasabing nakaatang sa balikat ni Gilmore ang kampanya ng Pilipinas.

Inamin ni Santiago na ang Japan ang team to beat sa Asiad.

Ngunit ang nalalabing apat na slots ay ang gitgitan ng China, Chinese-Taipei at Philippines.

“We need to apply all the things we’ve learned from our months of training for this event. We will go for a medal here, that is for sure,” pangako ni Santiago.

Ang third place finish ditto ang magbibigay sa Blu Girls ng spot sa world’s Top 10.

Ang best finish para sa Blu Girls ay ang bronze medal finish noong 1970 World Championship sa Osaka, Japan. Sumadsad ang koponan sa ikaapat na puwesto nang ang World Championship ay ganapin noong 1974 sa Stratford, Connecticut.