Katrina-Halili-copy

MULA nang napabalitang hiwalay na sila ni Katrina Halili ay iniiwasan na raw ni Kris Lawrence na magkomento tungkol sa relasyon nila ng aktres. Pero sa katatatapos na Star Awards for Music, na si Kris ang nagwaging RNB Artist of the Year, diretso namang inamin ng singer sa amin na mahal pa rin niya si Katrina.

Nakikipagbalikan siya kay Katrina at umaasa na magkaroon ng part two ang relasyon nila.

“Sana po talaga. Sabi ko nga, eh, mahal ko pa rin siya. Sana lang,” paulit-ulit na banggit ni Kris habang hawak-hawak ang napanalunang tropeo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa napanalunang award ay tinanghal ding RNB Album of the Year ang kanyang album na Spread The Love under GMA Records. Nominated as Song of The Year ang kanta niyang Ikaw Pala.

“I’m so happy with these awards. It feels so good. I feel very proud. I feel very honored. Dream come true talaga,” sey pa ni Kris Lawrence.