CANDELARIA, Quezon – Nasawi ang isang 45-anyos na lalaki habang sugatan naman ang anak niyang lalaki at apat na iba pa na natamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa Barangay Pahinga Norte sa bayang ito noong Sabado ng tanghali.

Kinilala ni Supt. Arturo Brual, hepe ng Candelaria Police, ang namatay na si Mario D. Rivera, 54, may asawa, walang trabaho at residente ng Bgy. Pahinga 1, habang sugatan naman sina Lino M. Rivera, 45, tricycle driver; Apolinario M. Rivera, 37, binata, magsasaka; Fredie G. Navarro, 20, binata; isang 12-anyos na lalaki at ang 15-anyos na lalaking anak ng napatay, pawang taga-Sitio Antipolo, Bgy. Pahinga Norte, Candelaria.

Maliban sa binatilyo, ang apat ay nasugatan sa ligaw na bala habang ang mag-ama ay malapitang binaril ni Regidor Vargas Ricaña, walang trabaho, kapitbahay ng mga biktima. - Danny J. Estacio

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list