Natagpuang patay noong Biyernes ng gabi ang ina ng beteranang aktres na si Cherrie Pie Picache sa loob ng bahay nito sa Quezon City.

Ayon sa mga paunang ulat na nakarating sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) headquarters sa Camp Karingal, pinatay sa saksak si Zenaida Sison, 75, biyuda, ng Dr. Lazcano St., Barangay Paligsahan, Quezon City.

Sinabi ni Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD-CIDU, na pagnanakaw ang tinitingnan nilang motibo sa pagpatay kay Sison dahil nawawala ang mga gamit ng matanda, bukod pa sa magulo ang loob ng bahay. - Francis T. Wakefield
National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'