Ipinagdiriwang ngayon ng Armenia ang kanilang Araw ng Kalayaan, na gumugunita ng kanilang paglaya sa Soviet Union Noong 1991.
Matatagpuan sa isang intersection ng Western Asia at Eastern Europe, ang Armeniya ay isang bansang nasa hangganan sa kanluran ng Turkey, sa hilaga ng Georgia, sa silangan ng Azerbaijan, at sa timog ng Iran at ng Nakhchivan exclave of Azerbaijan. Yerevan ang kapital at pinakamalaking lungsod ng bansa. Nasa 3.2 milyon naman ang populasyon nito.
Ang Armenia ay miyembro ng maraming international organization na kabilang ang United Nations, ang Council of Europe, ang Asian Development Bank, ang Commonwealth of Independent States, ang World Trade Organization, at ang Organization of the Black Sea Economic Cooperation. Mula noong 2011, nakikipagnegosasyon ang Armenia sa European Union uapng maging isang associate member.
Sandigan ng ekonomiya ng Armenia ang remittances ng mga Armenian na nagtatrabaho sa ibayong dagat. Nananatili ang agrikultura bilang mahalagang sektor ng ekonomiya, sumasaklaw sa halos 40% ng empleo ng bansa. Nagmumula rin sa naturang bansa ang, copper, gold, zinc, at lead.
Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Armenia sa pangunguna nina Pangulong Serzh Azati Sargsyan at Prime Minister Hovik Abrahamyan, sa okasyon ng kanilang Araw ng Kalayaan.