INILUNSAD na ng Star Records ang unang solo album ni Paolo Valenciano na pinamagatangSilence/Noise. Ito ay alternative rock album na naglalaman ng anim na awitin na, ayon sa panganay ni Gary Valenciano, ay mistulang pagkukuwento tungkol sa kanyang buhay.

“Pagdating sa musical skills, normal lang po ang ibibigay kong rating sa sarili ko. Pero kung mayroon man po akong maipagmamalaki bilang recording artist, ito ay ang ideas ko na nagagamit ko hindi lang sa pagsusulat ng kanta kundi maging sa konsepto ng aking music video,” sabi ng 30 taong gulang na musician-turned-concert-director at frontman ng rock band na Salamin.

Laman ng Silence/Noise album ni Paolo ang mga awiting Tagulan, Pangako, Hanggang Kailan Kita Mahihintay, Parusa, Kislap, at ang carrier single na Muling Magbabalik. Tampok din bilang bonus tracks ang acoustic versions ng Muling Magbabalik at Parusa.

Available na ang Silence/ Noise album ni Paolo sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com,www.mymusicstore.com.ph atwww.starmusic.ph.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Silence/ Noise” album, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa Facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.