Sinimulan natin kahapon ang pagtalakay tungkol sa ilang lunas sa hangover. Kamakailan lang, naglabas ang realbuzz.com ng kanilang paraan upang malunasan ang hangover. Anito, epektibo ang pagkain ng saging dahil sa pagpapanumbalik ng naiwalang potassium dahil sa sobrang pag-inom, pagkain ng karne na nagtataglay ng marming uri ng Vitamin B upang mapalitan ang mga naiwalang bitamina dahil sa alcohol, ang pagkain ng asparagus bago uminom upang masangga ang ilang epekto ng alak; at ang pagmasahe sa sentido gamit ang mentholated balm na isang herbal remedy upang mawala ang sakit ng ulo.

Ipagpatuloy natin...

  • Iwasan ang iyong mga kliyente. – maaari ngang hindi maganda ang payo na ito, ngunit kung hindi mo naman kailangang makipagkita sa iyong mga kliyente, huwag mo silang hanapin sa kondisyon mong may hangover. Kahit bahagya na lang ang pagkalango mo sa alak, bakas pa rin sa iyong mukha, kilos at salita na may hangover ka, at siyempre ayaw mong makita ka ng iyong mga kliyente na ganito ang iyong kondisyon at baka mawalan sila na kumpiyansa sa iyo at tuluyan mo silang maiwala.

    Probinsya

    Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

  • Gawin na lang ang madadaling trabaho. – Kung maaari ka namang pumili ng gagawin, gawin na lamang yaong mga trabahong boring at routinary. magandang pagkakataon ang pagkakaroon ng hangover upang hindi mo indahin ang mga trabahong ayaw mo.
  • Matulog ka. - Sa iyong lunch break o sa merienda break, yumuko ka sa iyong desk at matulog. Sa loob ng 15 minuto, maaari nang manumbalik ang kaunting lakas na naiwala mo dahil sa hangover. Sikapin ding huwag matulog sa oras na dapat kang nagtatrabaho. Kapag nahuli ka ni Boss, yari ka sa promotion o rating period.
  • Humingi ka ng tulong. – Kahit may kumpiyansa ka sa iyong ginagawang trabaho, sa mga problemang iyong nireresolba o mga produktong iyong binabantayan at sinusuri, maaari ka ring magkamali sa pagtupad ng iyong mga tungkulin sapagkat mayroon kang hangover. Mainam na pakiusapan ang isang kasama na tingnan din ang iyong ginagawa paminsan-minsan.