Pag-iinitin ng 22-anyos at natatanging weightlifter na si Nestor Colonia ang kampanya ng Pilipinas sa pagsabak nito sa 56kg. sa weightlifting competition sa Day 1 ng 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

Bubuhatin ni Colonia ang tsansa ng Pilipinas na malampasan ang huling iniuwing 3 gin to, 4 pilak at 9 tansong medalya may apat na taon na ang nakaraan sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

"Focus lang po muna ako na mahigitan ang personal best record ko," sinabi ng tubong Zamboanga City na si Colonia, makakalaban ang ilang mga humakot ng medalya sa nakalipas na London Olympic Games noong 2012 sa Men's 56 kg. na gaganapin sa Moonlight Festival Garden Weightlifting Center.

"Pipilitin ko po na mabuhat ang buong makakaya ko," giit pa ni Colonia, sanay na rin sa malalaking torneo bilang miyembro ng junior team kung saan ay nakapagtala ito ng Asian Junior record at halos nagawang magwagi ng medalya kung saan ay nasaikaanimna puwesto siya sa 2010 Guangzhou Games.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Bago umalis patungong Incheon, naisakatuparan ni Colonia na buhatin ang kabuuang 280kg. sa ginanap na 1st quarterfly tryout ng Philippine Weightlifting Association (PWA) kung saan ay iniangat nito ang 125kg sa snatch at 155kg sa clean and jerk na kulang lamang ng 5 kilo sa nagwagi ng ginto noong 2010 Asian Games.

Matatandaan na nakuhang magwagi ng pinakamatanda sa anim na magkakapatid ang 3 gintong medalya sa 2011 Pattaya Asian Junior Championships at 2 pilak noong 2011 Myanmar Asian Juniors.

Kasalukuyang hawak ni Colonia ang national record sa 56kg. na 118 kg. sa snatch at 153 kg sa clean and jerk para sa kabuuang 271 kg. na itinala nito sa Philippine National Games noong Mayo.

Ang binuhat nitong 271kg ang nagdala upang makuwalipika sa itinakdang Philippine Sports Commission (PSC)-Philippine Olympic Committee (POC) Asian Games Task Force na pamantayan para makasama sa delegasyon dahil kapantay nito ang tansong medalya.

Tinukoy din ni Colonia, makakasama ang tiyuhin at coach na Olympian at 2-time SEA Games gold medalist na si Greg Colonia, ang matinding karibal na North Korea, China at Azerbaijan na humablot ng ginto, pilak at tanso noong 2012 London Olympics.

Kabuuang 18 gintong medalya ang agad paglalabanan sa unang araw ng Asian Games na isa mula sa synchronized swimming, dalawa sa track cycling, isa sa equestrian, dalawa sa fencing, apat sa judo, apat sa shooting, dalawa sa weightlifting at dalawa sa wushu.

Wala naman kalahok ang Pilipinas sa synchronized swimming at wushu na isasagawa ang finals sa Men's Changquan kasunod ang Women's Nandao at Nanquan, gayundin sa equestrian na nakataya ang ginto sa Dressage Individual Prix St-Georges at Dressage Team sa Dream Park Equestrian.

Wala ding kalahok ang Pilipinas sa Men's Epee at Women's Sabre sa fencing, gayundin sa Men's Trap event sa shooting, track cycling at maging sa judo na pag-aagawan ang gintong medalya sa Men's 60kg., Women's 48kg., Men's 66kg. at Women's 52kg.

Paglalabanan naman sa Setyembre 21 ang kabuuang 24 ginto habang 27 sa Set. 22. Nakataya ang 29 ginto sa Set. 23 habang magkakasunod na pag-aagawan ang 38 ginto (Set.24 at 25),22 ginto (Set.26), 24 ginto (Set.27), 30 ginto (Set.28), 26 ginto (Set29), 35 ginto (Set.30), 46 ginto (Oct.1), 39 ginto (Oct.2), 36 ginto (Oct.3) at 7 ginto sa Oktubre 4 para sa kabuuang 439 gintong medal ya. Paglalabanan sa 17th Asian Games ang individual sports na aquatics, archery, athletics, badminton, boxing, canoe & kayak, cycling, equestrian, fencing, golf, gymnastics, judo, karate, modern pentathlon, rowing, sailing, shooting, table tennis, taekwondo, tennis, triathlon, weightlifting, wrestling, sepaktakraw, squash at wushu at maging ang team sports na basketball, baseball, bowling, cricket, handball, hockey, kabaddi, football, rugby at volleyball.