Naglaan ng P5.4 milyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 sa mga lumikas na residente mula sa anim na kilometrong danger zone ng bulkang Mayon, iniulat ng ahensiya kahapon.

Nabatid kay Director Arnel Garcia ng DSWD Region 5 na umaabot na sa 6,000 pamilya ang nasa evacuation center sa Albay Munincipal Hall at ilang paaralan.

Sinabi ni Garcia na namahagi na rin ang ahensiya ng banig , kumot , kulambo, at mineral water na gagammitin ng mga nasa evacuation center at, aniya, handang tugunan ng kagawaran ang ibang pang pangangailangan ng lokal na pamahalaan kung sakaling tumagal pa ang pag-alburoto ng bulkang Mayon.

Ayon pa kay Garcia , P5.4 milyong assistance ang kanilang inilaan para sa target na 10,000 pamilyang inilikas sakaling tumagal ang pagsambulat ng bulkang Mayon habang patuloy na naka-monitor ang DSWD Action Center sa mga lokal na pamahalaan.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race