Kim, Coco and KC

KAILAN kaya namin makakatsikahan si Coco Martin para personal na tanungin kung okay na sila ni Ms. Nora Aunor.

Nabanggit kasi ng superstar na nag-text sa kanya ang bida ng seryeng Ikaw Lamang at humingi ng paumanhin sa 'utangan issue' kaya para sa kanya ay okay na sila, dahil anak din ang turing niya sa aktor.

Sa Oktubre na ang showingng pelikulang pinagsamahan nila, ang Padre de Pamilya na ang aktor ang producer kasama ang manager niyang si Biboy Arboleda.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Kung sure nang matutuloy ngayong October ang showing ng Padre de Pamilya, bakit kay a hindi pa ito pinapaingay ni Coco?

Curious ang lahat kung talagang okay na sina Nora at Coco, at malalaman ang totoo kapag nagsama na sila sa promo ng pelikula nila.

Samantala, tutok na tutok sa Ikaw Lamang ang televiewers dahil inamin na ni Coco kay Jack (Kim Chiu) na ito ang mahal niya kaysa kay Natalia (KC Concepcion) na kaya lang pinakakagat ay para magamit sa paghihiganti sa tatay nitong si Senator Franco (Christopher de Leon).

Andaming nababaliw sa love triangle nila.

Pero nakakaloka ang mga sumusubaybay ng Ikaw Lamang dahil ang mas gusto nilang malaman ay ang magiging reaksiyon ni KC kapag nalaman niya na ang taong pinagseselosan niya ay kapatid pala niya.

Inaabangan din ang magiging reaksiyon ni Franco kapag natuklasan pinag-aagawan ng dalawang anak niyang dalaga ang lalaki na anak naman ng mortal niyang kaaway at pinagseselosan pa rin hanggang ngayon na si Samuel, na mahal na mahal naman ng asawa niyang si Isabel (Amy Austria).

Hanggang Disyembre pa tatakbo ang Ikaw Lamang kaya tiyak na marami pang mangyayari sa tinatakbo ng kuwento bago magkaalaman ang lahat. Inaasahan ng viewers na hindi na daranas ng paghihirap ang mag-amang Gabriel at Samuel sa kamay ni Franco idagdag pa si Mylene Dizon na inlavey naman sa senador na tiyak na si Isabel (Amy) naman ang pag-iinitan.

Anyway, inuusisa ng netizens kung ana ang raket ni Gabriel (Coco) at keri niyang umupa ng condo. Hindi naman kasi ipinaliwanag sa kuwento kung ano ang trabaho niya. Hindi naman puwedeng carnapper dahil wala namang ipinapakitang kinakarnap na sasakyan.

Sa episode noong Miyerkules, isang BMW sedan naman ang gamit ni Gabriel nang dumalaw sa bahay ni Natalia. Ano nga kaya ang source of income ni Gabriel?