PAGKATAPOS ng siyam na matagumpay na fans day sa iba’t ibang key cities sa bansa, lilipad uli si Regine Velasquez-Alcasid papunta naman sa General Santos City ngayong Biyernes, Setyembre 5.

Ang Asia’s Songbird ang magpapasimula sa partisipasyon ng GMA Network sa week-long Tuna Festival sa pamamagitan ng isang Kapuso Fans’ Day na gaganapin sa Event and Convention Center ng KCC Mall of GenSan pagsapit ng 6:00 pm.

Makakasama ng Bet ng Bayan host on stage ang stand-up comedian at impersonator niyang si Ate Redg na maghahandog ng nakakaaliw na production number sa local viewers kasama ang Sing-ala-Regine at Divading contestants.

Bukas (Sabado, Setyembre 6), tampok ang Sa Puso ni Dok lead actress na si Bela Padilla pati na rin ang Dading cast na sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves, at Chynna Ortaleza sa isa pang Kapuso mall show sa The Atrium ng Gaisano Mall of GenSan simula 3:00 PM.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Sa Setyembre 7, makikihalubilo naman sina Valerie Concepcion at Mona Louise Rey ng My BFF kasama ang Eat Bulaga dabarkads na sina Pauleen Luna at Ruby Rodriguez sa kanilang supporters sa SM City GenSan bandang 3:00 PM.

Ang mall show na ito sa SM City GenSan ay agad na susundan ng Bet ng Bayan provincial showdown dahil maghaharap-harap ang masusuwerteng nakapasok sa auditions. Makakasama ng contestants ang Bet ng Bayan co-host na si Alden Richards na manggagaling pa sa Digos, Davao del Sur para naman saksihan ang Davao leg ng kumpetisyon.

Isang masayang street party naman ang sasalubong sa Kapuso fans pagdating ng Martes, Setyembre 9. Ito ay gaganapin sa Oval Plaza ng GenSan pagsapit ng 7:00 PM.

Maaaring mapanood ang highlights ng Tuna Festival sa Let’s Fiesta TV Special na ipapalabas sa Setyembre 14 sa regional stations ng Network sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, Bacolod, CDO, at GenSan.