Chicken adobo at lechon ang dalawa sa ilang pagkaing ihahanda sa pagbisita ni Pope Francis sa Manila sa Enero 2015, ito ang tiniyak ng isang itinalagang catering service.

Ayon kay Tamayo’s Catering president at CEO Steve Tamayo, siya ang napiling magsilbi bilang caterer sa pagbisita ng Papa.

Gayunman, hihilingin pa rin ni Tamayo sa mga organizer sa papal visit ang magiging final menu.

Ang nasabing catering service ay nagsilbi na rin bilang caterer sa pagbisita ni Pope John Paul II noong 1995 para sa World Youth Day.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20