MAYANTOC, Tarlac – Kinasuhan ang isang mag-asawa dahil sa pagtangay sa mamahaling tablet computer ng isang negosyante sa palengke ng Mayantoc.

Sa ulat ni PO3 Mark Hamilton Depano, kinasuhan ng theft sina Vanessa Amor Monta at Elpidio Callejo Baysa Jr. kasama si Romeo Afante Sacopon, pawang nasa hustong gulang, ng Barangay Camposanto, Moncada, Tarlac.

Ayon sa report, nagkunwaring bibili ng softdrinks ang mag-asawa para maipuslit ang tablet ni Melody Delfin, 34, ng Bgy. Rotrottooc, Mayantoc, na abala noon sa pagtitinda.

Nagkakahalaga ng P12,000 ang tablet ni Delfin, na nabawi rin.
National

False claim? Tanya Gaisano, pumalag sa sinabi ni Ramil Madriaga tungkol sa regalong painting kay VP Sara