Hindi conflict of interest kundi conflict of conscience ang nagtulak kay Atty. Salvador Panelo upang magbitiw bilang abogado ng pamilya ni Enzo Pastor.

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, ipinaliwanag ni Atty. Panelo na naging abogado siya ng magulang ni Pastor sa isang corporate case, gayundin kay Dahlia Guerrero-Pastor sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng huli sa isang lalaki na apat na beses humipo sa kanya (Dahlia) sa loob ng isang sinehan.

“There is no conflict of interest diyan but more on conflict of conscience on my part dahil pareho silang malapit sa akin,” pahayag ni Atty. Panelo.

Aniya, nagbitiw siya dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na itinuturong may kinalaman si Dahlia sa pagpaslang kay Enzo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Paano ko idedepensa ang biktima at ang inaakusahan,” wika ni Atty. Panelo.

Sinabi rin ni Atty. Panelo na hindi pa maituturing na akusado si Dahlia dahil wala pang pormal na kasong isinampa laban dito.

Aminado rin si Panelo na tanging kredebilidad ang nasira kay Dahlia dahil sa public perception bunsod ng mga ulat sa media na nagdadawit sa kanya sa kaso.

Idinagdag ni Panelo na maayos ang samahan nina Dahlia at Enzo bago naganap ang krimen.

“Sa aking pagkakaalam, dahil madalas ko silang nakakasama sa iba’t ibang okasyon, sweet at lovey dovey ang dalawa,” sinabi pa ni Panelo.