Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang kuha ng CCTV camera sa tatlong hindi pa nakikilalang suspek na nanambang at pumatay kay P/Chief Insp. Roderick Midrano ng Novaliches Police Station 4 sa Quezon City noong Lunes.

Ayon kay QCPD Deputy Director for Operation P/SSupt. Popoy Lipana, hindi na sila mahihirapan sa pagkilala sa tatlong suspek na bumaril kay Medrano sa Hobart Village, Zabarte Road, Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Kumpiyansa si Lipana, na hindi magtatagal ay mahuhulog sa kamay ng batas ang tatlong hinihinalang hired killer sa patuloy na massive manhunt operation ng QCPD. - Jun Fabon

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University