Kinoronahan ng Nike’s fast-paced at unconventional 5-on-5 basketball tournament para sa Pinoy youths, ang #PLAYPINOY, ang unang nagkampeon sa Doña Imelda Covered Court, Brgy. Doña Imelda sa Quezon City kamakailan.

Inimbitahan ang mga kabataan sa Manila na may edad 15-18 sa preliminary round sa mga court ng Makati, Manila, Pasig, Quezon City, Taguig, Parańaque, San Juan at Marikina City na nagsimula noong Agosto 16-17 sa #PLAYPINOY.

Kabuuang 48 mula sa 148 koponan ang nakuwalipika sa finals sa unang Nike #PLAYPINOY tournament.

Matapos ang paglalaro sa quarterfinals at semi-finals, tinanghal ang Team Amazing Playground bilang mga kampeon sa #PLAYPINOY. Ang Amazing Playground na mula sa Manila, Paranaque, Alabang, at Antipolo, ayon sa pagkakasunod, ay kinabilangan ng limang kalalakihan na sina William Navarro, Francis Giusani, Joaquin Mariano, Sam Heidelburg, Jerome Ejercito at Franz Abuda.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Our victory is the result of excellent team chemistry and communication. We are so happy to have won this tournament. We had a lot of fun and played our hearts out as it was a tournament like no other since it is based on the Pinoy way of playing basketball,” saad ni team captain Giusani. “This is really a celebration of our unique Pinoy basketball!”

Ang event ay itinaguyod nina popular sports media personalities na sina Aaron Atayde at Cheska Litton, kasama sina DJ Ace Ramos at MC Pao kung saan ay sila nakapagdagdag ng makulay at kapana-panabik na festive event.