Iginiit ni eight-division world champion Manny Pacquiao na natatakot lamang si WBC at WBA welterweight titlist Floyd Mayweather Jr. na masira ang perpektong rekord nito kaya ayaw siyang labanan sa lona ng parisukat.

Sa panayam ni boxing writer Jerry Izenberg ng The Star Ledger, sinabi ni Pacquiao noong 2010 pa sila nakikipagnegosasyon kay Mayweather subalit lagi itong nagbibigay ng dahilan kaya naniniwala siyang natatakot lamang ito na palasapin niya ng pagkatalo at mabahiran ang kartada nitong perpektong 46 panalo, 26 sa pamamagitan ng knockouts.

“Well, I think he is worried about his record. He talks about his zero losses. The zero that means so much to him means nothing when measured against who he fought,” ani Pacquiao. “You talk pound-for-pound best, or undefeated champion. If you don’t defend against the best, none of that means anything.”

Ayon sa dating pound-for-pound king, mahirap basahin ang ikinikilos ni Mayweather ngunit isang masamang halimbawa sa mga boksingero ang malaking takot nito na masira ang personal na rekord.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

“[He is] not [scared] of fighting, but perhaps of what one night could do to his zero of losses. I think I finally understand him:…what he says,…how he acts,…and I don’t like it,” dagdag ni Pacquiao. “But what I learned and heard from him, well, I realize why he is like that. I understand sometimes when the people are not educated they just talk to talk. He sets a very bad example.”

Nakatakdang muling sumampa sa ring si Pacquiao sa paghdepensa ng kanyang WBO welterweight title sa Amerikanong si Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China samantalang idedepensa ni Mayweather ang kanyang WBC at WBA 147 pounds belts laban kay Marcos Maidana ng Argentina sa Setyembre 13 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.