Apat na tulak ng ilegal na droga, kabilang ang tatlong konduktor ng bus, ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa San Pedro City, Laguna.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo Cacdac Jr. ang mga naaresto na sina Erwin Reyes, 28, ng Biñan, Laguna; Soun Leandro, 33, ng Barangay Olympia, Makati City; Adrian Almenzana, 33, ng Biñan, Laguna, pawang konduktor ng bus; at Vicente Detaro, 48, ng Pacita Complex, San Pedro City, Laguna.

Lumitaw sa imbestigasyon na bandang 3:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 4-A, sa pamumuno ni Director Adzhar A. Albani, sa Detaro Compound sa Pacita Complex, na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat matapos maaktuhang nagbebenta sa police agent ng limang plastic sachet ng shabu.

Ang mga arestadong shabu dealer ay nakumpiskahan din ng iba’t ibang drug paraphernalia.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Ang apat na suspek ay kinasuhan sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) na may kaugnayan sa Section 26 (Conspiracy to Sell), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Jun Fabon