KIRKUK, Iraq (AFP)— Napasok ng Iraqi forces, sa tulong ng US air strikes, noong Linggo ang jihadist-besieged Shiite town ng Amerli kung saan libu-libo ang naiipit ng mahigit dalawang buwan na habang paubos na ang mga suplay ng pagkain at tubig.

Ito ang pinakamalaking tagumpay sa opensiba ng gobyernong Iraqi simula nang sakupin ng mga militante sa pamumuno ng Sunni jihadist group na Islamic State (IS) ang malaking bahagi ng limang lalawigan noong Hunyo.

“The strike near Amerli damaged an ISIL tank and the strike near Mosul Dam destroyed an ISIL armed vehicle. All aircraft exited the strike area safely,” sabi ng US Defense Department sa isang pahayag, tinutukoy ang IS forces na kilala rin bilang Islamic State in Iraq and the Levant (ISIL).

Ang bayan ng karamiha’y Shiite Turkmen sa Salaheddin province ay nanganganib kapwa dahil sa kanilang pananampalataya, itinuturing ng jihadists na heresy, at sa kanilang paglaban sa mga militante, na umakit ng mararahas na ganti.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nagbabala si UN Iraq envoy Nickolay Mladenov na maaari silang maharap sa “massacre” ng mga mananakop na militante.

Kinumpirma ni Colonel Mustafa al-Bayati noong Linggo na ang bayan ng Amerli ay “completely secure”, ngunit nagpapatuloy ang mga sagupaan sa mga pamayanan sa kanluran.