Miley-Liam-copy

STILL something there? Opisyal na naghiwalay si Miley Cyrus at ang kanyang ex-fiance na si Liam Hemsworth isang taon na ang nakalipas noong September 2013, ngunit hindi pa sila nagkakaroon ng kani-kaniyang seryosong relasyon simula noon.

Nang panahong iyon, ang Australian actor, 24, ay unti-unti pa lamang nakikilala sa mga pelikula ng Hunger Games bilang ang conflicted na si Gale Hawthorne, at si Miley, 21, ay nasa kalagitnaan ng kanyang craziest year sa paglabas ng kanyang album na Bangerz, world tour, at sa kanyang bagong wild child post-VMAs image.

Tila naka-move on na ang mga bituin ng Last Song sa kanilang two year engagement, ngunit sa bagong panayam sa Sunday Night television show ng Australia, nagpahiwatig si Miley na hindi sila mawawala sa puso ng isa’t isa.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“I love Liam; Liam loves me,” aniya sa Sunday Night (via the Daily Mail) tungkol sa kanyang ex.

Nang tanungin tungkol sa kanyang hit ballad na Wrecking Ball, na pinaniniwalaang tungkol kay Liam, sinabi ng dating Disney star na, “It’s about finding yourself. I had to set myself free.”

At pagdating sa kanyang fashion choices at sexier image, walang kiyeme ni Miley.

“I never think about what someone is going to think,” aniya. “I’ve always been into fashion. I grew up around Dolly Parton, who is all… tits.” - Us Weekly