Hannah-Nolasco

Ni ANGELINE NICOLE RIVAMONTE, trainee

MALAKING tagumpay ang debut album launch ng rising star na si Hannah Nolasco noong Linggo, Agosto 17, 2014 sa Hard Rock Cafe sa Glorietta, Makati City.

Para sa sixteen year-old newcomer, ang mabigyan ng pagkakataong makapag-record ng album ay maihahalintulad sa isang fairy tale na nagkatotoo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Mailalarawan si Hannah bilang isang halimbawa ng dalagang Pilipina, mahinhin pero lumalaban, masayahin pero alam ang kanyang mga gustong makuha at marating.

Naiiba si Hannah dahil sa kanyang kakaibang sigla, talento, at kanyang naikukuwento ang mga naging karanasan niya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

“I wanted to capture these years of my life on an album while they still represented what I was going through,” sabi niya.

Masayahin at nakakapagpabata ang kanyang mga awitin.

“I never choose a song that I can’t relate to in some way, shape, or form. My music will always reflect who I am and what I believe in,” dagdag pa niya.

Tampok sa album na Hannah Nolasco The Rising Star ang mga kantang madaling magugustuhan ng teenagers - mga awitin tungkol sa unang pag-ibig, pag-asa, pasasalamat, at mga kaugalian ng henerasyon ngayon. Mababakas sa kanyang pagkanta ang batang Sharon Cuneta noon, ang malaking pagkakaiba niya kumpara sa ibang babaeng mang-aawit ngayon.

Buung-buo ang suporta sa kanya ng kanyang mapagmahal na amang si Col. Ricardo L. Nolasco, Jr., PAF (Ret).

“The production of this album is not for fame nor fortune but rather my humble way of bringing Hannah closer to the realization of her dreams,” paliwanag nito.

Sa tulong ng dasal at suporta ng mga kapamilya ni Hannah na sina Lola Josie, Tita Jackie at iba pang mga kaibigan mula sa media, natulungan nila si Hannah na matapos ang kanyang album.

Para kay Hannah, ang kanyang ama ang the best father sa buong mundo, pero ito rin ang kanyang pinakamatinding kritiko sa ibang mga pagkakataon.

“Papa is incomparable in every way. He is very loving and caring and is my constant source of inspiration and constructive criticism in all areas,” kuwento ng dalagita.

Unti-unti nang naririnig sa radio stations ang dance piece na Peksman, ang carrier single ng kanyang album. Laman din ng album niya ang Inlab, ang ‘sequel’ ng Peksman.

Umaasa si Hannah na magbibigay-daan ang kanyang mga kanta upang makatulong sa kanyang pamilya at komunidad. Hangad din niya na maging role model ng kabataan sa kanyang sariling paraan.

“I would like to give back to my family and school for teaching me all that I know and for moulding me to be the person who I am today,” saad niya kasabay ng kanyang mithing makatulong sa charitable organizations na malapit sa kanyang puso.

Alam niya na posible ang pag-abot sa kanyang mga pangarap sa patuloy na pagsuporta ng kanyang pamilya, kaibigan, kamag-anak, determinasyon, at lalo higit sa lahat ang Panginoong Diyos.