BACOLOD CITY - Isang miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Himamaylan City, Negros Occidental ang nahaharap sa kasong rape.

Ayon kay Supt. Antonio Caniete, hepe ng Himamaylan City Police, natanggap nila ang reklamo ng isang 14-anyos na umano’y kasambahay ng hindi muna pinangalanang konsehal.

“Base sa reklamo ng biktima, dalawang taon na siyang inaabuso ng suspek,” pahayag ni Caniete.

Inaasahang ngayong linggo ay pormal na magsasampa ng kasong rape sa Prosecutors’ Office ang dalagita laban sa suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development Office ang biktima. - Jun N. Aguirre