BOBIGNY, France (AFP)— Anim katao ang namatay sa pagsabog sa isang apartment building sa labas ng Paris, na ikinawasak ng kalahati ng residential block, sinabi ng emergency services.

Patuloy na sinusuyod ng mga bombero ang gumuhong apat na palapag na gusali sa northeastern suburb ng Rosny-sous-Bois para sa dalawa pang nawawala, ayon kay Mayor Claude.

Sinabi ng mga kapitbahay na napakalakas ng pagsabog dakong 7:00 am (0500 GMT), at niyanig pati ang mga gusali may 100 metro ang layo mula sa lugar. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ito ay isang accidental gas explosion.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod