TIYAK nang tatakbo sa pagkapangulo ang “Tigre ng Senado”, ang matapang na si Sen. Miriam Defensor Santiago. Gumagaling na raw ang kanyang lung cancer (stage 4) kaya ready na siya sa panguluhan. Maging si Fr. Joaquin Bernas SJ, kilalang constitutionalist, ang nagpayo kay Pangulong Noynoy Aquino na huwag isulong ang Cha-Cha (Charter Change) upang mapalawig ang termino at ma-clip ang kapangyarihan ng Supreme Court.

Para sa Jesuit priest na si Fr. Bernas, dapat magbigay-daan si PNoy sa iba pang Pilipino, tulad ni Sen. Santiago, na hawakan ang renda ng gobyerno. Naniniwala si Fr. Bernas na marami pang Pinoy ang may kakayahang maging lider ng ating bansa. Hindi monopolyo ng binatang Pangulo ang pagiging “Messiah” ng naghihirap at nagdurusang Pilipinas.

Kapag ang Tigre, este si Sen. Miriam, ang naging Pangulo ng Pilipinas sa 2016, tiyak na permanente sa kalaboso sina Tanda, Seksi at Pogi. Samantala, marami ang nagdududa kung maging patas si Vice President Jojo Binay tungkol sa mga mambabatas na may kasong plunder. Baka kung siya raw ang maging Presidente, pakakawalan niya ang tatlo na ngayon ay nakakulong at nahaharap sa kasong pandarambong kaugnay ng P10-billion pork barrel scam ni Reyna Janet Lim-Napoles.

Nahuli na ang gunman na bumaril at nakapatay kay champion car racer Ferdinand “Enzo” Pastor na pinaslang noong Hunyo 12.Siya ay si PO2 Edgar Angel na nakatalaga sa Pasay City. Itinuro ang mastermind ng pagpatay na si businessman Domingo De Guzman III, alyas Sandy, kaibigan ng biktima, na diumano ay may relasyon sa ginang ng car racer na si Dahlia Pastor. Lumilitaw, ayon sa pulisya, na “love triangle” ang motibo ng krimen.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Madalas madulas sa pagsasalita si Presidential Spokesman Edwin Lacierda. Noong una, ipinahiwatig niya na bukas ang isipan ni PNoy sa Cha-Cha at sa term extension “kung magkakaroon ng halalan”. Ang isinisi rito ay ang kakulangan diumano niya sa Tagalog dahil siya ay mas fluent sa English at Chinese. Sumunod dito ay nang tawagin niya sa DILG Sec. Mar Roxas bilang “President Mar” bilang tugon sa media kung ieendorso ito ni PNoy.