Sharon Cuneta

NAGULAT kami nang may tumawag sa amin kung totoong umalis na sa TV5 si Sharon Cuneta. Wala pa naman kaming alam kaya binisita namin ang Facebook account ng megastar at ito ang latest post niya as of Friday, August 29, 11:01:

“I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think! So keep watching out for those clues. Goodnight everyone! Sweet dreams and May God bless you always. In the meantime I leave you with this BIG announcement: SHARON CUNETA is NO LONGER with TV5.”

May tinawagan kaming close friend ni Sharon at tinanong kung totoo, hindi niya alam ang detalye pero kumpirmadong si Sharon ang nag-post sa FB at Twitter accounts nito. Sa tanong namin kung tapos na ang contract ni Sharon sa TV5, ang alam daw niya ay three years pa dapat pero hindi alam ng kausap namin kung ano ang usapan ni Mega at ng TV5.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kung totoo na nagpapapayat na si Sharon, may naka-post na raw itong bagong picture sa Sharon Cuneta fan page na halatang pumapayat na nga ang megastar.

Wala na kaming natanong pang iba at nahiya naman kaming tawagan ang manager ni Sharon na si Boss Vic del Rosario, na sabi’y kausap ng megastar noong Biyernes.

Kahapon, Sabado ng umaga, ito naman ang natanggap naming official statement mula kay Ms. Peachy Vibal-Guioguio, head ng TV5 Corporate Communications na ginawa niya ng 1:48 a.m., Saturday, August 30, 2014:

“TV5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being a part of the Kapatid Network for almost three years. The network wishes her well in all her future endeavors.”

Hintayin na lamang natin kung ano ang mga susunod na ipo-post ni Sharon sa kanyang Facebook at Twitter accounts, tulad ng pangako niya sa mga susunod na gagawin niya,