Nanawagan ang Palasyo sa mga sasabak sa Ice Bucket Challenge na ibigay ang malilikom na pondo para sa pasyente ng ALS o Amyotrophic Lateral Sclerosis na ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kakagatin niya ang hamon sa Ice Bucket Challenge kasabay ng pagbibigay ng $100 bilang donasyon sa paggagamot ng mga pasyente ng ALS sa PGH.

Kabilang sa mga nagbigay ng donasyon sa PGH-Nuerological Ward ay si Education Secretary Armin Luistro at Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman.

Dalawa pang tagapagsalita ng Palasyo – Edwin Lacierda at Herminio Coloma Jr. – ang hinamon ng kanilang kabaro na sumabak sa ALS Ice Bucket Challenge.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Naisip ko na magandang halimbawa yung ginawa ni Bro. Armin Luistro and Sec. Soliman na mag-donate para sa magiging bills ng mga pasyente ng ALS natin dito, kumbaga yung mayroong mga sakit, magbibigay tayo ng maliit na donasyon para sa kanila,” pahayag ni Valte.

Sinabi ni Valte na posibleng maraming Pinoy ang hindi nakaaalam na mayroon ding mga pasyente ng ALS sa bansa. - Madel Sabater-Namit