Sa isang pag-aaral ay nalunasan ng isang experimental drug laban sa Ebola ang 18 unggoy na apektado ng nakamamatay na virus, isang magandang balita ng pag-asa na natukoy na ang gamot na magwawakas sa outbreak sa West Africa—o kung maisasakatuparan ang produksiyon nito.

Tatlo hanggang limang araw na binigyan ng ZMapp ang mga unggoy na apektado ng virus at maayos na ang kanilang mga lagay.

Naprotektahan din ng gamot ang anim na iba pang unggoy tatlong araw makaraang magkaroon ang mga ito ng Ebola.

Mahigit 1,500 na ang nasasawi sa Ebola sa Liberia, Sierra Leone, Nigeria at Guinea, at kinumpirma kahapon ng Senegal ang una nitong kaso ng Ebola. - AP
National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko