Limang babaeng kabayo ang magpapasiklaban para tanghaling kampeon sa 2014 Philracom Lakambini Stakes Race sa Metro Manila Turf Club,Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Ang mga kalahok na Malaya, Marinx, Misty Blue, Morning Time, at Real Lady, na pawang magdadala ng timbang na 52 kilos grams, ay magtatagisan ng galing sa nasabing pakarera.

Ang Lakambini Stakes Race ay gaganapin bukas bilang pagkilala kay Mr. Jose ‘Mang Peping’ L. Santos at may distansiyang 1,800-meters na laan para sa tatlong taong gulang na babaeng kabayo.

Binibigyan ng malaking panalo ang Malaya na entry ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr., habang ang Marinx at Misty Blue inaasahan namang bibigyan ito ng magandang laban.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May nakahandang P1.2-milyon ang nasabing pakarera na ang kampeon ay mag-uuwi ng P720,000 habang P270,000 sa papangalawa.

Halagang P150,000 ang mapupunta sa third placer, P60,000 sa fourth placer, at P50,000 naman sa breeder ng mananalong kabayo.

Nakahanda rin sa nasabing pakarera ang Class Division, Special Handicap at Handicap Race ngayong araw.