Umapela ang isang mambabatas sa Senado na maging maingat sa paghawak ng imbestigasyon sa umano’y overpricing ng Makati City parking building matapos mabuking na nagsinungaling ang isa sa mga testigo sa kontrobersiya.

Kasabay ng babala ni Paranaque City Congressman Gus Tambunting, hiniling din dating Manila Rep. Bienvenido Abante ang isang moratorium sa pagsasagawa ng congressional inquiry sa kontrobersiyal na gusali dahil posibleng magamit ang Kamara sa pamumulitika ngayong papalapit na ang 2016 elections.

Sa isang press statement, sinuportahan ni Tambunting ang panawagan ng ilang mambabatas na panagutin si Atty. Renato Bondal dahil sa pagsisinungaling umano nito na nagkakahalaga ng P1,000 ang bawat isang birthday cake na ipinamimigay ng libre ng Makati City government sa mga senior citizen.

Nang tanungin sa Senate hearing kung mayroon siyang pinanghahawakan na dokumento upang patunayan na iyon nga ang halaga ng cake, sinabi ni Bondal na umusbong lamang sa kanyang isipan ang halaga nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“By making sweeping allegations based on pure guess work, Atty. Bondal showed the height of irresponsibility,” giit ni Tambunting.

“That the Senate probe allowed these irresponsible and outright malicious statements to be, together with the fact that certain senators even encouraged these statements, shows that to the public the real nature of the probe –that is as a stage for early political attacks against the Vice President,” ayon kay Tambunting. - Ben Rosario