Inamin ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na bagamat otorisado ng Kongreso ang Philippine National Police (PNP) na kumuha o mangalap ng 10,000 pulis kada taon, mahirap matugunan ang ganitong quota sanhi ng requirements na kailangan sa mga aplikante.

Ang pag-amin ay ginawa ni Roxas sa pagdinig kamakalawa ng House Committee on Appropriations kaugnay ng hinihinging pondo ng DILG para sa 2015 na nagkakahalaga ng P104.57 billion.

Sinabi niya na nahihirapan ang National Police Commission (Napolcom) sa pangangalap o pagkuha ng mga Police Officer 1 (PO1)

“One very discouraging reason is the requirements. An applicant must be a college graduate, must pass the neuro-psychiatric examination, agility exam and medical exam, and the actual interview,” tugon ni Roxas sa tanong ni Rep. Luzviminda Ilagan (Party-list, Gabriela) tungkol sa hindi napupunuang mga posisyon sa DILG o sa mga ahensiya nito.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Binanggit niya na sa entrance examination pa lang, tanging 15 sa 20 aplikante ang nakapapasa.

Dahil sa problemang ito, sinabi ni Napolcom Vice Chairman Ed Escueta na kailangang marepaso ang kasalukuyang kuwalipikasyon ng police applicants.

Sinabi naman ni Director-General Alan Purisima na ang PNP ay may kabuuang 153,157 tauhan ngayon, at kulang pa ito ng 3,849. Para sa 2014, sinabi niyang ang PNP ay otorisadong kumuha ng 13,000 pulis.