“Sobrang kapangyarihan ng Korte Suprema ang nais kong baguhin sa Saligang Batas.”
Ito ang mariing paglilinaw ni Pangulong Benigno S. Aquino kasabay ng pahayag hindi siya nag-aambisyon ng ikalawang termino bilang Pangulo ng bansa kaya puntirya niyang mabago ang Konstitusyon.
Ayon sa Pangulo, ang pagnanais niyang mabago ang Saligang Batas ay upang limitahan ang judicial reach ng Korte Suprema, ang midnight appointment kay dating Chief Justice Renato Corona, ruling laban sa Disbursement Accelaration Program (DAP) at pagtanggap ng halos lahat ng kasong iniaakyat sa kanila.
Gayunman, inamin ng Pangulo na pangunahin sa kanyang layunin ay maipagpatuloy o mapangalagaan ang mga nasimulang reporma pagkatapos ng kanyang termino sa 2016.
“Kaya nga patuloy akong nakikinig sa nais ng taumbayan para sa ikaaayos ng lahat, bago matapos ang aking termino,” pagtatapos ni PNoy.