Jessy Mendiola

BIBIGYANG-BUHAY ni Jessy Mendiola ang madreng tapat sa kanyang bokasyon sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 30).

Pinangarap ni Marie (Jessy) simula pagkabata na maging madre kaya hindi siya nagpaligaw sa mga lalaki. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Nick (Edgar Allan Guzman), ang kanyang unang pag-ibig na inakala niyang makakalimutan niya pagpasok niya sa monasteryo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ano ang gagawin ni Marie kung muling magkrus ang landas nila ng kanyang first love? Susubukin ba ng pagbabalik ni Nick ang pangako ni Marie sa kanyang bokasyon?

Tampok din sa MMK ngayong Sabado sina Vangie Martelle, Karen Dematera,Alex Diaz, AJ Muhlach, Lemuel Pelayo, Lloyd Samartino, Chienna Filomena, at Kristel Fulgar, mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Garry Fernando.

Ang Maalaala Mo Kaya, mula sa production unit head ni Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario ay 23 taon nang bahagi ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo, Tuwing Sabado, ito ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa televiewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.