May kapangitan ang linggong ito para sa community press. Nagkukumahog mga newsroom ng halos lahat ng pangunahing player sa industriya ng media bunga ng kanilang pagkabigla, para sa mga detalye ng pamamaril ng broadcast journalist na si Orly Navarro ng DWIZ News Radio Dagupan.
Isang hard-hitting commentator sa estilong mahinahon, muntik nang mapaslang noong Martes ng madaling araw. Pauwi na siya mula sa isang magdamagang coverage nang tambangan siya sa isang madilim na daan at barilin. Isang bala ang tumama sa likod ni Navarro. Mapalad na rin ang ating newsman - amateur ang gunman na malamang na naduwag nang marinig nito ang putok ng sarili niyang pistola.
Bilang chairman ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, ikinalulungkot ko ang insidente. Mapait para sa isang ama na mawalan ng anak na lalaki, lalo na kung tumatalima ito sa etiko ng peryodismo at sa mga pamantayan ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas. Agad kaming nagpunta sa Dagupan sa sumunod na umaga. Kinausap namin si Navarro sa ospital at sa kanyang pamilya uoang makakuha ng mga clue sa tangkang pamamaslang sa kanya. Wala naman kaming alam na kaalitan ni Orly. Siya ay magiliw, palabiro kahit na sa mga seryosong talakayan. Matapos makakuha ng impormasyon hinggil sa pinakahuling developments mula sa Pangasinan press, tinawagan ko ang aking kaibigan na si Ambassador Tony L. Cabangon Chua, ang utak ng lumalagong ALC Group of Companies kung saan nasa ilalim nito ang operasyon ng DWIZ stations sa buong bansa. Kilala bilang mangingibig ng press freedom, sinabi niya sa akin na nag-alok siya ng kalahating milyong piso sa makapagtuturo sa salarin upang maaresto at masampahan ng kaso pati na ang mastermind ng pagtatangka sa buhay ni Navarro. Binabatikos at pinasasaringan ni Navarro ang katiwalian ng ilang opisyal ng pamahalaang lokal.
Mabuti na lamang na kaisa sa aming sentimiyento ang mapagmatyag na tagapagtanggol ng press freedom na si Gov. Amado Espino Jr. Naniniwala ako sa kanya nang kanyang ipahayag na ang pamamaril ay isang “dastardly act that should be condemned by the civilized society.”